This website features header photos showcasing artists and performances. Full photo descriptions are available on our Accessibility & Credits page.
Ipinagdiriwang ng programang Community Arts (Mga Sining ng Komunidad) ang mayamang pagkakaiba-iba o diversity ng rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa umuusbong na mga artista at maliliit hanggang sa katamtaman ang laki ng organisasyon para sa sining at kultura, na nakikilahok at nagpapalahok sa kani-kanilang komunidad nang may kabuluhan at layunin. Sinusuportahan ng Community Arts ang paglikha ng gawain ng mga artista ng Bay Area at ang pagkakaroon ng akses sa sining ng mga komunidad na nasa Bay Area.
Taon-taon, nagkakaloob ang Community Arts ng humigit-kumulang sa $1M na grants (tulong-pinansiyal) sa indibidwal na artista at non-profit na organisasyon para sa sining at kultura sa Bay Area, at isinasagawa ito sa pamamagitan ng tuwing ikatlong buwan na proseso ng aplikasyon. Magbibigay ng grants na tig-$5,000, $10,000 at $15,000 na magagamit upang masuportahan ang mga proyekto o upang masuportahan ang pangkalahatang operasyon ng mga organisasyon.
Matatagpuan ang mga petsa para sa pag-aapply at ang pagpaparehistro para sa workshop o palihan sa website.
Bukas ang programang Community Arts sa lahat ng humihiling ng grant na natutugunan ang mga sumusunod:
Bibigyan namin ng prayoridad ang mga humihiling ng grant na natutugunan ang isa o higit pa sa mga sumusunod na pamantayan:
Mga hindi kasama: paglikha o pagbuo ng akda nang walang pampublikong presentasyon; mga aktibidad na isasagawa sa labas ng pinagtutuunang lugar ng programa; mga organisasyon na ang pangunahing pinagtutuonan ay pagsasanay o edukasyon; publikasyon o award sa industriya; retroactive (nagawa na ang likhang-sining) na pagpopondo; pagbabawas sa utang
Para makapagsumite ng aplikasyon, pakisagutan ang form para sa aplikasyon, magbigay ng sample o halimbawa ng trabaho, at i-upload ang mga dokumentong nagbibigay-suporta. Kapag pinagsama-sama, bubuo ang tatlong elemento na ito ng kompletong aplikasyon.
Mag-log on sa Fluxx, ang online na sistema ng grant, na nasa zellerbach.fluxx.io [hyperlink] para makapagparehistro at makakuha ng user ID at password, na ipadadala sa inyo sa pamamagitan ng email sa loob ng 2-3 araw ng trabaho. Tandaan ang inyong impormasyon sa pagla-log in at password - kakailanganin ninyo ito sa bawat pagkakataon na magla-log in kayo.
Mag-log in sa Fluxx at piliin ang aplikasyon na Community Arts na nasa ibaba ng homepage. Sagutan ang form para sa aplikasyon at i-upload ang kinakailangang mga halimbawa ng trabaho at mga dokumentong nagbibigay-suporta. Kailangang maisumite ang mga aplikasyon bago ang 5 p.m. sa huling araw ng pagsusumite.
Ginagawan ng ebalwasyon ang mga aplikasyon ng mga kawani ng foundation para mapag-alaman kung kuwalipikado, nagbibigay naman ng mga rekomendasyon ang umiikot-ikot na lupon ng anim na artista sa Bay Area na kumakatawan sa maraming disiplina, heyograpikong lugar, estilong estetika, at pinagmulan. Ang mga panelist o miyembro ng lupon ay respetadong mga eksperto at tagagabay sa komunidad sa sining sa Bay Area.
Nakabatay ang ebalwasyon ng mga aplikasyon sa Community Arts sa apat na pamantayan, na may 1-2-7-10 na sistema ng pagraranggo. Binibigyan ng timbang (ayon sa nakasaad sa ibaba) ang bawat isa sa mga pamantayan, at nang mapagsama ang kabuuang marka o score na 100.
Magpapadala ng notipikasyon sa pamamagitan ng email matapos ang humigit-kumulang na tatlong buwan matapos maisumite ang aplikasyon.
Bagamat may makukuhang nakasalin na materyales para sa pag-aapply, iyon lamang mga aplikasyon na nakasulat sa Ingles ang tatanggapin. Kung nahihirapan kayo sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng nakasulat na salita o sa wikang Ingles, o kung may iba pa kayong pangangailangan sa pagkuha ng materyales sa pag-aapply, pakikontak si margot.melcon@zff.org tungkol sa posible na alternatibong format o pamamaraan ng pag-aapply.
Pakisabi sa amin kung nakatulong ang mga nakasalin na materyales na ito o kung may maimumungkahi kayong pagpapahusay pa sa pamamagitan ng pag-eemail sa communityarts@zff.org.
Salamat po!
455 Market Street, Suite 2200
San Francisco, CA 94105
(415) 421-2629
(415) 421-6317 FAX
communityarts@zff.org
Header: BoomShake Music, “Agua Pa” the People, 2019. Photo by Brooke Anderson.
We see the heads and shoulders of two rows of people, wearing yellow shirts and straw hats. They hold two hands up in front of their faces, palms in, some have rings or watches. The background suggests they are outdoors, in a place filled with lush plants and greenery.
Copyright © 2022 Zellerbach Family Foundation.Terms | Privacy
Site created by: Outside Voice, Natalie Kitamura Design, and PikaLabs.